nakakapagod mag-isip kung saan ba ako lulugar
sa umpisa pa lang naman, malabo na patutunguhan ko sayo eh
madalas kapag naiisip kita, napapangiti ako
pero kumbaga sa pagmamaneho, biglang preno ako madalas
kahit may seatbelt, mukhang may sira pa ata
madalas ako mabagok at masaktan
pero sige pa rin ng sige. tuloy ang maneho
nawawala na nga ba ako? pero sige lang
ngunit napaisip ako
lahat ng rason para ihinto ko na eh nasa harapan ko
bakit pa ako tutuloy?

Mawala man ako, hindi mo rin naman ako pagkakaabalahang hanapin
minsan talaga matigas ulo ko
gustuhin ko mang mag U-turn
nagdadalawang isip ako, parang gusto ko pa rin tumuloy
at umasa na meron akong kahihinatnan sa bandang roon
sa lugar kung nasaan ka..
nakakalito pa rin...
pero sa ngayon, stop over muna ako
ipapahinga ko muna ang isip at katawan ko
ng makapag isip din ng maayos
bago ko ipikit ang mata ko
"ama, tulungan moko, ikaw na bahala sakin"

No comments:
Post a Comment