eto ang beat walang sablay
pabilis ng pabilis...
nahihilo, nalilito..."
Hindi ko matandaan ung buong chant ng isang commercial ng coke dati...
Bigla ko lang naalala...
Anong kinalaman nito?
Eto nararamdaman ko ngayon. Litong lito ako, nakakahilo
Napapamahal na ako sa kanya
Pero hindi naman kami parehas ng nararamdaman
May mahal siyang iba pero hindi siya ganun kacommitted
Kumbaga parang M.U. kami kung tatawagin
Pero malapit kaming magkaibigan.
Masakit kapag nakikita ko yung mga pictures nilang dalawa
Nakangiti, masaya, kasama mga kaibigan nila.
Hindi namin pinaguusapan yung tungkol sa kAnYa kapag magkasama kami
Hindi rin niya sinasabi yung tungkol sa amin, sa akin, kapag magkasama sILa
May natanggap nga akong quote sa text sabi:
"The best part of being inlove is when you just love a person and be happy about it. Even if that person can never be yours, even if you know that it can't last forever! That's the true essence of love. It's not about winning someone. It's not about owning a relationship. It's just being happy coz you know you've loved someone. It's about being guiltless coz you know you didn't take away someone from anybody. You just love and love unselfishly."
Oo nga, pero hindi ka rin magiging masaya talaga kasi hindi mutual
Ayoko na siyang isipin, nagagawa ko naman
Pero mamaya bigla na lang siyang sasagi sa isipan ko
Nakakasama ko siya minsan, at madalas namimiss ko siya
Bilang na rin ang mga pagkakataon na makakasama ko siya
Dahil babalik na siya sa mundo niya, sa buhay niya, malayo dito, malayo sakin
Hindi ko hawak ang puso niya, ang mga nasa isip niya
Siya lang nakaka alam kung ano talaga at kung asan nga ba ako sa kanya
Sumugal ako, at eto ako ngayon...
Ang swerte, ang blessed ng mahal niya
Nakikita ko sa kanya at nararamdaman kung paano siya mag alaga ng mga taong mahal niya
Sana isa ako dun pero hindi eh...
Siguro isa lang ako sa mga taong dumating at makakalimutan niya balang araw

No comments:
Post a Comment